Monday, March 19, 2007 @9:26 PM
Just got home from the malling with my friends. Jusko, nagmukhang expression of freedom and Mega. Andaming Paulinian. First time ko gumala in a group of almost 20. Jusko. And as usual, ako nanaman ang pinakahuling dumating. Haha.
We watched Ghost Rider na napakapanget ng script... "My name is Legion 'cause we are... many"... haha. PG-13 yung movie at guess what, muntik na kaming di papasukin. Heheh. Sensha na, guys, dakilang baby face. I have to say, though, I realkly enjoyed the movie because of my friends, especially Marian... Papa J. Ambenta ever, hek hek hek. Sa lahat ng parts na mei mukhang lumalapit sa screen, sha lang yung sumisiga. Buti sana kung ganun lang, pero hindi, sinabunutan pa ko. hahaha. Shettt... As usual, sa aming magkakaibigan na nagoccupy ng isang row, kami nanaman ang pinakamaingay doon, to the point na yung kaharap at kalikod namin napuno na at nagawang lumpiat ng upuan. Kaya nga inaalay ko din ang entry na to para sa kanila. ^ _ ^ Sorry kuyas. At least, libre comments di ba?
Afterwards, we played in the arcades kung saan ako naging super proud sa sarili ko dahil nakaabot ako ng Chapter 2 sa vampire nights at hindi ako ang unang namatay sa House of the Dead pero Chapter 1 lang ata inabot namin ni Rakky na kalaro ko. Oo, proud na ko nun. Nabeat ko ang sariling record na hindi pa sumasakit yung daliri ko kakapindot, talo na agad. This time, balikat ko sumakit. OHA! Ganon ako katagal nakalaro. Humph. *nod* Dito ko din natuklasan na isa sa mga hilig ko na mamaril ng kahit anong bagay na gumagalaw sa computer.. WEEEEEHHH! I'll go back for this... shooting is the best..
Tapos... YELLOWCAB GALORE. At dahil everytime na pumupunta kame nila Jamie sa isang fast food chain, mei napapagusapan kameng hnde kanais-nais... ganon nnman ang nakagawian namen sa Yellowcab (baka isipin nio, sumososyal na ko from sa cheapipay na ffc lumilipat na ng yellowcab... hnde, nilibre kasi kame nila Marga and Camille... at dahil dun, sila na ang paborito kong TWINS, number one na), from gay people to Bern's first time drinking coke and comparing it to having the first times... Jusko.
Sobrang mamimiss ko sila. Lalong lalo na si Jamie dahil aalis na siya sa Wednesday papuntang Japan... :( Eto nga ata yung rason kung bat hnde ako naiyak nung grad. Dahil alam kong magkikita-kita pa, ngayong, tapos na... nakakalungkot lang isipin na hindi na ganoon kadalas ko sila makikita at hindi na ganoon ka senseless yung pwede kong maging topic.CONGRATULATIONS BERN- isa ka nang ganap na tao! I'LL MISS YOU TODO JAMIE, BOGCHI, BOSSING at kung anu-ano pa ang natawag ko sayo ngayong taong to... wala na kong kafoodtrip. :( Wala na din akong kabangagan.... Ingat ka nalang sa Japan. Bring home some Japanese guys... *^_^* weeeeeeeh.SA LAHAT NG SENIORS.... TAKTE. Tapos na sa wakas. FREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEDOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMM... 'till June.