Tuesday, December 19, 2006 @1:37 PM
HAPPY HOLIDAYS EVERYONE!
Since mahirap na atang mabati ko kayo ngayong pasko mismo. Dahil na sa wala akong internet sa bahay at dahil pupunta akong Mindanao para sa 50th anniv ng lola ko (totoong lola ko). WOOOOHOOOO!!! Feeling prinsesa ang lola mo. : )
@12:55 PM
".........
Nang ma inlove ako sa'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay
ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas
pero sarili kong pera ang iyong winawaldas
para kang sphinx ugali mo'y napaka sting
...." Sosyal noh? Nyahaha.
Overnight kila Lou last Friday. Masaya. Isang gabing takutan, pikunan, asaran, sigawan, habulan (kasama si Charlie the boy... ops, pangalan yan ng aso nila), kantahan, iyakan (dahil sa takutan), at shempre tawanan. Pagnadekwat ko na siguro kay Maryel ung mga pics, ipopost ko nalang kasi mahirap naman atang inarrate ko lahat ng nangyari ng isang buong araw.
But if you would ask me, looking back sa year na to at last year, I would say na magandang Christmas present na ung mga nangayayari. I am surrounded by a pool of beautiful people, inside and out and I would just like to thank God for it. He he. English un. Anjan ang Pugak at anjan din ang aking mga hell sisters. Some friends only come once in a lifetime and I consider myself lucky to be there when they came. Grabe. You couldn't ask for anything else- totoo pala na there are some things in this world na hindi mabibili ng pera. Kaibigan. Mga kaibigan ko, simple lang pero malalim ang takbo ng pagkakaibigan, hindi sosyalan. Kung sa iba, tequilla ang inuman, malamang samin, gin na nilagyan ng chocolait para maglasang bailey's. Kung sa iba, out with friends sa movies, kami kuntento sa DVDs na binebenta sa Metro Walk. Simpleng pagkakaibigan pero malaman.
Oha. Bagay ba? Ano, isipin nio nalang napossess ako ng isang emo na espirito na nagiillusyong nanalo sa America's Next Top Model at kinuha ang oprtunidad habang sha'y nasa net shop sa Ali Mall na magupdate at magpasalamat sa mga FANS niyang sumusuporta sa kanya sa kanyang tagumpay. Ayos?
So to all the fans out there, message ng idol niyo para sa inyo:
I can't fly and lift an island like superman...but there's one thing "supermaman" & I have in common..Remember what he always say..?"I'm always around" Ü[Collide playing in the background, everything else begins to fade]