Saturday, September 02, 2006 @7:01 PM
Mario: Okay, there's nothing wrong with your neck. Mukhang naghihilod ka naman araw-araw. Wala ka namang libag. Wala ka namang banil.
Peaches: Can't you see?
Mario: Wala
Peaches: Masyadong lumpy, ano ka ba! At saka, maikli. Dapat leeg, mahaba para graceful tingnan.
Mario: So pangit ang leeg mo, ano ngayon?
Peaches: Okay, 1-0. In favor of pangit ako. Baba naman.
(katahimikan.)
Mario: There's nothing wrong with your chin. I think it's fine.
Peaches: Ano ka? Anong it's fine? Tingnan mo ng maigi.
Mario: Walang mali sa baba mo.
Peaches: E wala nga akong baba.
Mario: Anong tawag mo jan? Paa?Peaches: I mean, may baba ako pero it doesn't serve its purpose... Look, I have a weak chin, walang definition.
Mario: Okay, sige.
Peaches: 2-0. Next. Lips ko.
(titignan ni mario lips ni peaches ng mabuti)
Mario: Manipis?
Peaches: At saka lopsided. Hindi pwedeng i-pout. (Magpopout) Ang sagwa, di ba?
Mario: 3-0
Peaches: Ngipin ko. O, eeeeeeee.
Mario: May tinga ka.
Peaches: (Tatanggalin ang tinga) O ulit. Eeeeeeeeee.
Mario: Okay naman. Mapuputi. Kumpleto. Naka-jacket ba yan?
Peaches: Hindi, a. Eeeeeeeeeeee. Tingnan mong mabuti. Eeeeeeeeee.
Mario: I don't see anything wrong with them.
Peaches: Ano ka ba? May underbite ako. O. (kakagaat) O. (kakagat ulit). O. Kaya affected ang profile ko. 4-0 na.
Ilong ko? Tingnan mo'ng ilong ko. Tingnan mo.Mario: Kumpleto naman ang butas.Peaches: o, side view (sa-side view sa kausap)Mario: Ay, pango ka. (shet. I can imagine this. hahahah. it cracks me up)Peaches: Sobra ka naman, pango. Wla lang akong bridge.Mario: Di ba yun na rin yun?Peaches: Iba naman ung pango. Pango- kapag sinabi mong pango, parang nakadapa `yung ilong mo. Parang "Wow, Thank you! Nagkailong ka pa." (NYAHAHAHHAHAH. Shettt....)Mario: O, siya, sige.
Peaches: 5-0. Next, my eyes.
(katahimikan)
Mario: Hindi ka nman duling. Hindi ka naman banlag. (aahah. benta comments nia)
Peaches: Hnde mo nakikita ung flaw kasi masyado kang malapit. Lumayo ka nang kaunti. Ayan, o. Tell me, what's pangit with my eyes?
Mario: (tinitingnan ng mabuti ang mata ng kausap) Sirit.
Peaches: Walang depth. Kulang pati expression. Masyadong giveaway. Mas maganda kung deep-set para pumungay nang kauni, di ba? Ano nang score?
Mario: 6-0 na. In favor of pangit ka.