Sunday, June 18, 2006 @10:03 AM
"Man looks at the outward appearance,but the Lord looks at the heart" (1Sam16:7)Bago ang lahat, babatiin ko muna kayo ng
Happy Tatay's Day at
Happy Kalayaan Day... khet na isang week na ung tinagal since magIndependence Day. Ang cute noh? Hahaha.
WARNING: one long entry
* * *
Marion's Food for the Soul*DISCLAIMER: Nakuha ko ung eksaktong story na 2 galing sa isang blog na pinaghoppan ko at hindi ko 2 inaangkin. Heheheh. Iwas-kulong pala.
Ang binatilyong si Utoy ay nagtungo sa ibang bansa upang mag-aral. Nang siya ay matapos, nagbalik siya sa kanilang bayan. Kinausap niya nag kanyang magulang at hiniling na ihanap siya ng isang eksperto sa larangan ng relihiyon o isang matalinong tao na maaring makakasagot sa kanyang tatlong katanungan.Natagpuan naman ng kanyang magulang ang taong hinahanap ng kanilang anak, si Marco at ito ay hinarap nila sa binata.
Utoy: Sino ka? Masasagot mo ba ang tatlo kong katanungan?
Marco: Ako’y isang mananampalataya Diyos at susubukan kong sagutin ang lahat ng iyong mga katanungan.
Utoy: Sigurado ka? Marami na akong napagtanungan na mga guro at mga eksperto pero ni isa sa kanila, walang nakasagot sa aking mga katanungan.
Marco: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.
Utoy: Eto ang aking tatlong katanungan...1.) Mayroon ba talagang Diyos? Kung mayroon man, ano naman ang kanyang anyo?2.) Ano ang tadhana?3.) Kung ang demonyo ay ginawa mula sa apoy, bakit sa katapusan ng mundo siya ay itatapon sa impiyerno na ginawa din mula sa apoy. Sa palagay mo ba masasaktan ito gayung ang demonyo at ang impiyerno ay gawa mula sa apoy? Naisip ba ito ng Diyos?
Walang kaano-ano ay biglang sinampal ni Marco si Utoy.
Utoy (halatang nagulat at nasaktan sa pagkakasampal) : Bakit ka nagalit sa akin ?
Marco: Hindi ako galit. Ang sampal ay ang kasagutan sa tatlo mong katanungan.
Utoy: Hindi ko maintindihan.
Marco: Ano ang naramdaman mo matapos kitang sampalin?
Utoy: Siyempre masakit, muntik na na ngang matanggal ang mukha ko eh.
Marco: Naniniwala ka ba na nararamdaman ang sakit.?
Marco: Ipakita mo ngayon sa kin ang anyo ng sakit.
Marco: Yan ang sagot sa una mong katanungan. Lahat tayo nakakaramdam sa presensya ng Diyos gayong hindi natin nakikita ang kanyang kanyuhan. Kagabi sa iyong pagtulog, napanaginipan mo ba sasampalin kita?
Marco: Iyan naman ang tadhana, ang sagot sa ikalawang katanungan. Ang aking kamay na ginamit ko upang samplain ka, saan ito gawa?
Utoy: Gawa iyan sa laman.
Marco: Iyan namang mukha mo, saan iyan gawa?
Utoy: siyempre sa laman din, ano naman akala mo dito.
Marco : Ano ang naramdaman mo matapos kitang sampalin ?
Marco: Tama, at yan ang aking sagot sa ikatlo mong katanungan. Kahit na ang demonyo at ang impiyerno ay ginawa mula sa apoy kung gugustuhin ng Diyos, magiging isang malupit na lugar ang impiyerno para sa demonyo.