<body> <body>

Monday, May 29, 2006 @7:32 PM



Hahah. Grabe. I've learned something today.

1. Hnde dapat nageexpect at nadisappoint, masakit. Totoo un sobra. Yung tipong nasa peak ka na ng kaligayahan mo tapos biglang all for nothing. YUCKKKK!!! KADIRI!!! nyahahahha. Ang mushy. Epekto ata ng Youth Camp. Pero like I said, darating dn at darating.

2. Hnde ko na sha crush. Nakakinis. NakakaturnOff dong. Ewww. Ang kapal ng mukha niya!!! Aminado sha na crush ko sha. Please. As if naman ganun sha kaguwapo walanjo, sapakin ko un e.

3. Ayoko na sa gwapo. Wala lang. Nyahahah. Mas maganda pala talaga pag mas nangingibabaw pren ang personality nia kesa sa appearances. Nyahahahah. Alamo un, nung isang araw nga, parang nakakabaliw. Sobrang funny guys are the best!


MAMAYA NA NGA.

Thursday, May 25, 2006 @11:13 PM

Grabe, bukas na pala ung youth camp. Sobrang pagod ako ngayon dapat nga matutulog na ko pero naganahan ulet ako sa nakita ko. Nyahahah. In and out of Love nanaman ba ang drama? Nyahahaha.


Pero di nga, napapagod ako ngayon. Nakakadrain talaga ang Geom chka sobrang feeling ko umaatake nanaman ung aking other side-- si Frances. Mamaya, makikita nio nalang akong nakasabit sa bundok tas nababaliw sa isang singsing. Nyahahah. The best. My precious Nyahaha. Pero seryoso na. Nawawala na talga ako sa sarili pero hnde pa nman ganun ka baliw. I could feel the drive slipping away. Napakadaling mabadtrip sa mga napakababaw na bagay. Ganun ba talaga pag teenager? Lahat nlang sa kung anu-anong bagay biniblame.


Patay, sinasaraduhan nanaman ako ng ilaw ni Papsi. Kailangan na tong bilisan.

Basta, ganito nlang pala. Continue nio pa po ang pag suporta sa YOUTH CAMP. Sana talaga mabalik ung drive ko. Ung hyperness chka kakulitan... Hnde ko gusto ung nangyayari sakin. Bat pa kasi nagtatransform. Nyahahah. Nakakatulong ba ang chocolate? Sabi sa isang magazine, oo daw. Pero madadagdagan nnman ang pimples, ang hirap pa nmang tanggalin nun. Hala. Ui, bago ang lahat, joke lng ung mga un a. Ang maniwala, sasara ang pwet.

Wednesday, May 24, 2006 @11:54 AM

Tawang-tawa kami dito nio Maryel. Hinayupak! hahaha. It made my day. Enjoy. Ü



@11:09 AM

Let's forget muna other personal problems. Sa sobrang inis ko kahapon, pinuntahan ko ung site na tinuro sken ni Mars sa LSC.

Cofibean. Grabe sha. Whoever the guy is. Sobrang discrimination to the max. Feeling ko talaga these kind of guys only exists in the movies. Mei totoo pa plang taong ganitong buhay sa mundo. It's unbelievable how any person could fathom to live like how he is living. Sobrang full of himself na others are just mere clouds sa buhay nia. Grabe sha makapanlait ng mas mababa ang social status sa kanya. Ibang klase. Parang mei tao pala na kaya ung ganun. Nakakatakot lang kasi kung sa sariling bansa palang mei ganitong klase na ng discrimination, pano pa kaya sa paglipat nmen sa ibang bansa. Pakshet. Anu nlang kame dun? Shempre hnde lang social status ang dinidiscriminate kundi pati na rn ung race. Hay, oh well, pero I guess hnde tlga mawawala un sa isang society. Ang tawag dito. Crab mentality. People push other people down para makita nila kung gano talaga sila kataas. Kawawa talag ang mga taong ganito kasi keilangan pa nilang iassure ang sarili nila. It's like an oxymoron. A beautiful landscape pag pinost mo sa isang wall, andali lang lampasan at hnde mapansin pero pag pinagtabi mo sha, with let us say, sa isang slums are, sobrang titingkad ung building at dun mo plang sha mapapansin. Malala. But that's how people think.

I could also blame this thing sa Colonial Mentality. Pag mukhang local, iniisip kagad na mas mababa ang social status. So keilangan tlagng mei dugong foreigner to be considered as part of the elite group sa bansa natin. hah. If ever, sariling bansa parin ang tawag dun. If he thinks filipinos are 'bobo' for not letting other people run our country for us nlang, then I think he is even dumber for considering the idea in the first place. Pag ang pinoy lumipat ng ibang bansa, considered sha as isang second pirority citizen, kahit iba-ibahin mo pa ang citizenship nia. Hnde ba kau naaawa satin? Kung pati sa home country naten, ang trato pren satin ay second priority citizens?




"Shempre galing US nanaman. Anu ba yan, wala bang sariling isip ang Pilipinas?"

May bagong game sa TV. Deal or No deal ata ang tawag. Isa nanaman sa mga borrowed game shows from sa ibang bansa. Ang unang reaction jan shempre ay ang nasa taas. Nakakinis shempre dba. Iniisip naten na ang media ay isa sa mga nagddrill sa utak naten na mas maganda pag galing US. E kung hnde pa dn nman tau bulag. Hnde lahat ng bagay nlang ay dpat iblame sa media. Pag-isipan mo, gumawa dn nman sila ng attempts para makapagbigay ng mga gameshows na 'sariling-gawa' pero most, if not all, nalalaos dn after some time kasi pag mei duamdating na gameshow from another country, mas pinapanood un. Para satin, kahit gano kaordinaryo ang takbo ng gameshow, maganda pren. Shempre, from an industrialized country ba naman galing. Para satin cool na un. Hnde rn kasi natin tinatangkilik ang sarili nateng mga ideas. Nakakahiya talaga. Dito nanaman pumapasok ang mga scientists na Pilipino na mei sobrang lalaking leap pala na nagawa sa siensha an hnde man lamang naten nabibigyan pansin. Foreigners pa talaga ang nakakapnsin sa kanila.

Ang colonial mentality ay isang sakit ng lipunan. It's a given fact. This is why our economy is as it is. So let those discriminating folks like the fag Cofibean drop dead. Wag kasi magcocomplain kung wala ka namang cinocontribute. Our economy, guys, is not going to fix itself. Hnde rn in an instant ay uunlad kagad tau. It takes time. It takes discipline. It takes obedience and perseverance.

Haha. Mamatay na sila. At one point of another, uunlad din tayo. Ü

Tuesday, May 23, 2006 @9:33 PM

Guys, please please please. Support kayo sa Youth Camp namen. Ibang klase tlga si Taning maka-impluwensha. Hnde maganda un.


A simple advice, PUSH. Pray Until Something Happens. Matamaan na ang matatamaan sa mga kaYFC ko. Hnde nio ba napapansin na tuwing mei gaganapin na something na for God mei nangyayari na ganito? Hnde nio ba naiisip na baka tinetest lang tau? Sobrang pinapaalala ko lang. Ang Youth Camp, hnde para saten. Yung ginagawa nateng pagseserve sa YFC, hnde barkadahan. Para un kay God. Nakakalat si Taning sa paligid. Kaya tayo mabilis maggive-in sa temptation paminsan dhel nakakalimutan natin ang simple pero importanteng aspeto sa ating buhay. SI GOD. This might even sound hypocrital pero para saan pa na nagYFC tau kung hanggang ngayon, hnde pren natin nakikita ung ganun? YFC is supposed to let us grow spiritually. Sa lahat ng bagay, si God. Shempre, guilty ako na nagkakasala dn ako. Khet shempre maliliit na bagay.

Mali kasi talaga e. Chong, easy ka lang. Feeling ko alam ko na ung problem mo. Kung about sa kanya dhel nabadtrip ka nanaman at nadala ka ng emosyon mo dhel nasulat mo un, isipin mo nlang. Hnde ka napabayaan ng Dyos. There must be a purpose for whatever na ginagawa nia sayo. ikaw na rin nagsabi sken. Just obey. Just push. Dhel in the end, lahat ng nangyayari para din sayo.

Chill lang muna at pray. Hnde ko alam kung mababasa mo toh or something pero pagpray mo lang yan. Kung anu man mangyayari, wag mo kame ipush palayo, mas worse, wag mo ipush si God palayo. We are Youth for Christ for a reason.

PRAY.

Sunday, May 21, 2006 @11:32 PM

Wait lang. Hnde ko talaga mabuhos lahat.



Nakakainis.




Ano kaya kung maglie-low na rn muna ako. Sobrang nakakadisappoint tlaga kc. Mamatay na talaga ung mga nagpapaasa. Fine, joke. Pero nakakainis pren tlga.



"A formula to achieve a happy life: expect less"



Argghhh. Ansarap talaga nia sapakin!!!!

@11:16 PM

Haha. Yuck, drama.


At grabe, magigive-up na ko sa lovelife. Pag iniisip mo pala un, mas naddrain ka lang tapos sulat ka ng sulat sa blog mo bout daydreams mo sa kanya....

ay teka, nakakadiri na. Sbi nga ni Mars, hnde dw sken tlga bagay maging mushy. Ewan ko ba kung baket.

Sometimes tuloy feeling ko na nagpplay lang ako ng part sa isang pagtatanghal. Hindi pa talaga nakikita ng tao kung ano ang nasa likod ng aking telon.

O ano, Mars, aus ba? hahah.

Hay, ano ba, gan2 nlang, live life one day at a time. Kung mei dadating, dadating dn.


*****

UPDATE! Tapos na ung sayaw. Masaya sha, in all fairness. Grabe, nagpanik tlga kame nun. Mejo nakakahiya. E kasi naman dapat tlga ung usapan sa umpisa sasayaw tapos nakakapanik kasi magsstart na ung mass wala parin etong cla kevin, justin at JR. nagsunduan pa pla. E buti nlang, namove sha after ng final blessing.

At kahit na sinabi ko kanina na my prince would someday come and I believe na ung "prince" na un ay hnde si PG1, natuwa pren ako. In fairness kasi nakita ko sha at surprise, suot nnman nia ung paborito niang damit na mei collar. PAPA UMM!! hahahahahahah. Ang kulet. Pauso talag ni Ricille. Kaya nga lang, sobra na tlga. Andami ko nang kaagaw. Ganun tlga, hnde ako swerte.

*****

UPDATE # 2

Mei bago na ata akong crush... hihihi. Alam kong hnde pren sha c "prince" but it's okay, at least to keep me inspired? hahaha. Kaso nga lang, bawal tlga ibunyag. Naging crush ko na tlga 2ng bagong 2 dati pa nung nagchoir sila. Heheheheh. Nakakaaliw. Hihihi. Kaso un nga bawal, hihihihi. Crush sha ni ______, tas kutob namen na mei crush dn sha k _____. Kung hnde kc dahil kay JohnC hnde ko na ulet un mapapansin. Malas ko talaga.

Pagnakahanap siguro ako ng kadamay, un na c "prince". Awwwwwwwwwww........








MUSHY. :(

Saturday, May 20, 2006 @9:28 PM

Bukas na yung Youth Mass. Sasayaw na kame. Ü Ansaya.


...


Sorry Kaps!! Shuck. First time 2 nagalit. naguiguilty 2loy ako. Sorry na!!!! Bati na tau...

...

Hnde na ko masaya. Sobrang nakakabagot. Grabe ang kabataan ngayon! Lahat in love. Akalain mo ba naman. Hinigitan pa ata ako ng kapatid ko pag dating sa lovelife. Nyahahah. Usapang lovelife nanaman. Biruin mo ba naman, nakakausap na niya ung love of her life habang ako nabubulok lang dito. Awwww... Grabe talaga. At feeling ko hnde ko na crush si PG1. O baka dahil lang hnde ko sha nakikita. Basta. Bahala na nga sa Youth Camp. Hahahahah. Madami-dami naman.


Woeh.


Gusto ganun.

Thursday, May 18, 2006 @11:04 PM

Haha. Discriminants...

I hate review classes na! As in. Masaya sana ung math kaso kanina sobrang namigraine ako. Habang nageexam, ansakit sa ulo nung floruescent lamp sobra. Tapos solve pa ng solve. :( Ganun daw ba buhay-kolehiyala. Eps. As if e noh. Dala siguro ng late-night sleep... haha. Nagsleep-over sila kuya frank and ricille kahapon!!! ANSAYA PRAMIS... first ever. Ganun pag YFC, pasleep-over sleep-over na lang in preparation for something. Cool.... Hahaha.

Aun, back to the topic. pesteng discriminant yan. Gusto kong buhayin ung gumawa tapos ako papatay- engk. foul. Joke.

Discriminating...

It's really weird how one could get hooked up in a television show. Sobrang Matt to the highest level. I admire Brenda and Gerald's persistance regarding dun sa phone calls. Ang hirap nun a. Hnde mo alam kung sha un pero tinatawagan mo pren dba. Mahirap ata humabol sa isang bagay na hnde mo nman alam kung ano ung bagay na un. At sobrang sakit nun sa part ni Matt. The eagerness/anxiety/doubt that you feel when you are finally faced with the possibility of finally achievieving one of your lifelong dreams. You can just imagine how disappointed he was when despite the many attempts, they still have nothing. Ok, fine. Napansin ko lang. Isama na nga natin si Mikee.

Kaya naman nakakatrauma mag-asawa. Youth for Christ naging CFC na kagad e noh. Hahah. pero di nga... Parang nakakainis ung ganun. Hnde lang pala parang... talaga pala. Tas to add to that, si Ate Rose ang aming kasambahay, nagkkwento pa ng tungkol sa lovelife nia. nagkaroon dw sha ng 2 asawa ganun... tas badtrip dw ung mga asawa nia. Ganun.. Basta, ang lala. Sapakin ko ung mga un e. Papahilera ko sila tapos isa isa kong tatampalin. mei kasama pang suntok ung mga walang sense of responsibility... banas noh.

Tuesday, May 16, 2006 @10:17 AM

Surprise. Dramatic ng title noh.



Haha.



Nakakainis. I'm having review classes nnman later at mas malala, mei quiz pa. Hindi na ko makapahinga sa totoo lang... hay, makakarma dn sila.

Exhaustion to the highest level. Yesterday, I was so tired that I almost fell asleep in LSC. It's not that I have boring company nor is it about the boring subjects, it's just the bad timing. Siesta! Anu ba. With the cold weather and all, it's very much tempting to relax and just close my eyes for a while. hahaha. Kung wala lang dun ung cute na guy na kaharap ko, nakatulog na ko. Hahahah. Mei ganun. Hnde, joke un. Usually dn, after ng LSC, direcho kagad ng YFC. Awww. Mahal ko na tlga chapter ko, like what I've said to Concep and Jomeng in our taekwondo earlier on when they were asking me to transfer chapters. Biruin mo naman, pagod na from taekwondo, sleepy from LSC pero YFC pren. Awww. Actually, un dn ung isang reasons why nakakainis magreview classes dhel bad timing e. During afternoons kasi madalas ung mga meetings and bonding sessions ng YFC tas hnde tuloy ako nakakajoin kagad kc kc nman... syang. There's just something about the chapter na sobrang ewan ko lang pero napapakita ko tlga ung true side ko. Masaya. As in dun, sobrang maingay ako, sobrang nagagawa ko khet ano, pati pagsasayaw sa daanan. Ibang klase noh? Sobrang feeling ko ang gaan pag kasama ko cla. Like we're really brothers and sisters at walang halong kaplastikan.. Woah, drama. Now especially with my new found brother na nilalakad ako k PG1. SHETTTTT!!!! shett lng tlga at shett!! SI PG1 sasali sa youth camp!!!! grabe... nakakaexcite!


Imagine... E-night at nandun sha!!! sayawan o jamming? shettt!!! anlakas. Sayang dn dhel hnde rn ako nakasama nung parang nirecruit sha. Sayang tlga!!!!

Saturday, May 13, 2006 @9:05 PM

Unang una sa lahat, alam ko na hnde mo toh mababasa pero...


LOUISE, HAPPY BIRTHDAY BELATED!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :) Papa Lou!!! Astig.


Actually, I was suppose to update this yesterday since yesterday naman talag bday nia pero sa late na nakauwi, nakapagYM lang ako. Awwwwww. sad...

FIRSTS # 1: LAKARIN FROM MEGA TO GALLE HABANG UMUULAN. AWAYAN SA TAXI BAY.

Astig talaga ng bday ni Papa Lou kahapon, in all fairness. Nakakaaliw, parang noon ko nlang ulet nakita si Mel at in fairness, si Melo, sobrang tumangkad. Tas after kc ng Lsc, ganito un, sabi dw ni Maryel, bbli dw kc sha ng bedsheet. Hahaha. importante dw for mother's day. So dumirecho kme dun sa Galle, tawid tawid ganun. tapos, edi nagask kame for directions. Aba sa inabot man ng kamalasan, wala sa Galle. E sobrang importnte tlga nung tela so pumunta kameng Mega, taxi, ganun. Aun aun... tas bumili na ng tela e tapos, magtataxi dpat kame papunta kela Lou e inabot nga naman ng sobrang kamalasan, umulan!!!! at ang haba haba ng pila sa taxi! parehong dun sa harap ng mega at dun sa malapit sa supermarket. Buti sana kung ganun lng dba, andami pang sumisingit. LUPET! ansarap pitikin ng tenga, promise. Tapos, since sunud-sunuran kame ng aking mga friends (ay btw, eto pala cla marielle, mel, louise, at chelsea ung kasama ko nun) gumaya kame sa mga nandadaya at lumusong kame sa mei ulan papunta dun sa empty na taxi. parang oo-oo ung taxi na parang ok na dw, sasakay na so umalis alis pa kem nitong cla marielle sa pila... pag dating nmen dun, nangontrata ba naman! 250 dw kagad. ang eps. 250 nia mukha nia. naaalala pa namen sobra ung platenumber. Badtrip kasi. tama bang lokohin ka porket maganda ka. hahahahah. hnde ko na tlga kaya, lagi nlang akong naloloko. Nyahahahah. joke. (PVN 640!!! REPORT NIO) so imbis naman na bumalik kame sa pila na sobrang aabot na ata tlga sa mercedes (woeh! sosyalan. exagge e noh), nilakad nlang nmen habang umuulan hanggang Podium. So nagsisitawid-tawid kame. Sobrang lusong lusong. In the end, nakaabot na kame ng galle at dun kame sumakay. Pahirapan pa kc. Ayaw magsakay. tas mei pila, si Lou, nabadtrip ata, pati ung mga nakapila, inaaway. Laking takot nalang nila sa buhay nila. Hahahahah. Nakakatawa tlga mei pa, "I don't care about the fucking pila". hahah. pinagbantaan! tapos, finally, nakasakay na nga kame. Nagdagdag pa ng money ung taxi driver. Anu ba yan, naloko nnman. Ganun ba tlga un?Ubusan ng pera. Sosyal... kla madaming pera.

FIRSTS # 2: Vice... beersa?

GULASH! HNDE KO NAMAN ALAM. HNDE KO TALAGA ALAM. AS IN SWEAR. Na ang sanmiglight pala ay beer. QUIETT!! parang tanga e noh, pati daw dito, kinuwento. Wala lang, first e. ANG PAIT! kadiri. Eto kcng si papa lou, biglang naglabas ng dalawang bote ng sanmiglight. Kala ko kc sanmig lng ung nakakalasing kc light ung sanmiglight so feeling ko low alcoholic content. E ambabaw ko tlga, mali ako. Nagassume pa kc. Kaya ok lng nung una na magtry... shots shots ganun. PRAMIS, sa mga nagbabasa nito at mga hnde pa nakakatry, wag na. Mapait. Panget. Hanggang nilagyan nila ng 7-up. Sarap. Tapos, sa sobrang sarap, hnde ko na namalayan na nakaubos na ko ng isang bote. Hahaha. tawa ng tawa si kuya ang nung kinuwento ko, malakas dw pla ako uminom. Hahahah. first time plang e noh. Sobra. Pero hnde ako nalasing. Yiheeeeeeeee. Sosyal! Si maryel, hnde actually uminom kasi sbi dw nia bka dw maamoy sha ng nanay nia. ahahahahaha. Tas si mel, kasabay kong umiinom, nakakatawa kasi after nung nasa car na kame, sbi nia, sobrang nsusuka dw sha tas ansakit dw ng ulo nia. hahahaha. feeling tanggera na tlga e noh.

FIRSTS # 3: First time na inamin ko sa sarili ko na crush ko na tlga sha.

AY mei gan2. Shempre, hanggang crush nnman ulet. Tapos, magsasawa/matuturn-off tas wla nnman akong crush. Usual cycle na pala. Pero hnde nga, ewan ko. Kadiri e. Pero feeling ko tlga crush ko na sha. YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEH!!!!! nakakakilig. Sobrang madating pala sha. Noon sobrang d ko napapansin pero wala lang. Nakakawindang. Woeh. Tas eto un, nagngitian kame. *And, this is not your ordinary... no ordinary love...* hala. Pero eto, quiet ulet kasi sobrang wla lang parang ang panget kc kung ttgnan.

Monday, May 08, 2006 @10:06 PM

Wala na talaga akong pag-asa. Hopeless na ko pag dating sa crushes... super inaamin ko na.



Grabe, nakakadrain, wala nanaman akong crush... another cycle nnman ba toh ng paghahanap? Nakakairita, promise. Sayang talaga. Nalaman-laman ko nalang from a good source na si PG1 pala ay nagbebenta na ng... DRUGS!!!!

PAKKSHH!!!! buti nagsstop na dun dba. E tinamaan ba naman ng lintik. Leche, nagbebenta pa ng katawan sa mga bading.



SHIETTTT!!!! NAKAKAINIS SOBRA. Sinayang lang niya talento nia sa pagsayaw at sa pagdrums. Sobra. Anlaking tanga.


Ung isa ko namang crush... si New Guy, tawagin nlang nten shang PG5. Si PG5... pinaghihinalaan dn nameng bading... although... hahahahahhaha. eto, nakakakilig. One time, tinanong dn nia ung isa nmeng kayfc. Another good source, sbi nia, "ui *toot* anung pangalan daw nung dalawang magandang kausap mo kanian?" WALANJ!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!! at sabi ni AGS, ako dw chka ung kpatid ko ung tinutukoy nia. Wala ako actuallyng pakielam kung tinukoy dn nia ung sis ko as maganda e bata un. Pero PAKSHH!! I'm likin what I'm hearin. hahahaha. Ako? Maganda? Tinawag akong maganda? Mahal ko na un! hahahhaha.

Sunday, May 07, 2006 @6:07 PM

... officially...

sa mga friends na hnde alam, nanakawan ako ng cellphone. :( Awwwwwwww. Banas! Actually, matagal-tagal na rn. Sa mei LSM habang nagtataekwondo kami. Akalain ba naman pati doon mei clepto. Eto pa ung deal dun, mukhang kinausap ko pa sha ng pachika-chika. E malay ko ba na ganun pala sha. Grabe talaga! Mga tao talaga ngaun, ang hirap na magtiwala.

Tuwing nakikita ko ung P50.oo ko na text unli load ng sun, napapakunot nlang noo ko. Ipantatawag ko pa dpat un!!! Nakakairita talaga. E d sana hnde ako naguupdate ng blog ngaun, at hnde ako pinagpapawisan sa tinding init, at hnde ko sana pinaglalaruan ung headband at nagpapakagirly. E kc nman e. Kung iisipin mo lng tlga ng matagal, maiisip mo na... SHA TALAGA UNG MEI KASALANAN. I miss my phone! E KASI NAMAN NAMAN.

In all fairness, gumagaling na ang sugat ko. Binuhusan ko ng alcohol kanina before mass. Tuloy habang nakamass para akong lulumpo-lumpo, napapapikit na ko sa kirot. Nakadressing kc sha ng gaus tas ung cotton umaapaw ng alcohol. Nakakaawa ako kanina. Gusto pa kc ni papa, budburan ng alcohol. Akala ata e bago pa ata gumaling un, nangingisay na ko sa hapdi.


O ayan, exerehado talaga. haha. :P

@12:29 PM

It's all about service.

It's all about God.

Ano ang similarities ng service ng *toot* at ng YFC? Pareho sila para kay God. Kung klaro un, bakit kelangan mei sapawan? Mei naa-outcast sa parish? Insecurity ba un?

I don't really care about the so-called "discrimination" sa parish since ang YFC naman ay hnde nman talaga dependent sa parish. So bat pa kelangan ng insecurity? Shempre andun kami dahel chapter namen un pero kung tutuusin, YFC at ang CFC ay independent. Isa silang malaking community. Ang thing lang naman dun ay mga parishioners ng isang parish ung mga sumasama dun.

Anu naman ung deal sa pagkakaroon ng iisang org? Duh. As if naman pinupull-out namen sila sa current org nila dba. Instead nga, mas nasstrengthen pa ng YFC ung faith nila. E un naman dba ung dahilan kaya tayo nagseserve. Don't get us wrong though, we're not pushing others to join us. Kung ayaw nio, may magagawa pa ba ko? It's God's plan narin siguro. Pero dba. Oo, halos pareho nga ang activities ng *beep* at ng YFC pero magkaiba dn ang goals nila.

Ung *beep* parish-based. Activities for parishioners ng transfi just like YFC pero sa YFC it doesn't stop there. Ops, hnde dn nman ako nagdedescriminate sa *beep* a, I'm just stating out the facts. YFC belongs to a bigger community hnde lang sha nagsstop sa service sa transfi at sa mga parishioners ng transfi.

So gets, ang point ko ay...

WALANG POINT ung pagdidiscriminate. WALANG POINT para magselos. At sa mga heads ng orgs, wala ding point para hnde nio payagan members nio para sumali. Kung kaya sila sumali sa service nila ay para kay God, don't you think their faith in God would be strengthened through YFC. Achaka, choice dn nila un. Sayang naman kung hnde nio sila papayagan or pipigilan nio sila sa call ni God dba. Kay God pren nman un e. Walang iba.

***

Eto nga pala. ANG ASSUMING TALAGA NG MGA *toot* SWEAR!!!! Hello? Tawagin bang *ano* si *ano* dhel lang sumama sha sa *ano*. Ano tawag dun? Hahahah. E kung hnde ba nman tlaga sila mayayabang dba.

Saturday, May 06, 2006 @6:24 PM

nakakainis!! hnde ako makalabas ngayon. E pano na sa Monday? NO WAY! ang korny talaga.


PERO MEI NALAMAN AKO.


Howwwwwy Shieeet!! Sha nga! Sha nga un. Waaaaaaaah. Heaven! Sha nga! Kinikilig ako. Sinabi ko na nga ba. Napapangiti nnman ako pag naalala ko. Waaaaaaaaah. Un lang.

@2:36 PM

Howwy Shiet. 7AM na ko nakatulog kanina. Ansakit talaga. Alam kong malayo sa bituka pero shet, hnde na ata ako makakagalaw nito. Ansakit ng... sugat ko.

Ayyy!! Oo nga pala, tapos na ung debut performance namen kahapon ng gabi. Malas nga lang dahel mejo nagkalat. BEBOTBEBOTBEBEBOTBEBOTBEBEBOTBEBOTBE. Pero in fairness ang galing namen dhel nasayaw namen ng walang lyrics dba. *palakpakan* Heehee. MagpakaSky. Heehee. The best dn.

Back to topic, masakit ang sugat ko pag hinahawakan at tumatama dun sa parang edge ng maong kong shorts. Kaya nga, hnde muna ako ngaun aalis ng bahay. So wala munang YFC. Tas anlapit na ng review classes ko! Waaaaaaaah! Exciting!!! Kaso, eto nga lang ung thing dun, hnde na ko mashado makakaattend ng YFC. awww. At starting May 8, my days are going to be so hectic. Jam-packed ang schedule. Imagine. 10am hanggang 12pm: Taekwondo. Tapos 1pm hanggang 5pm: LSC. Tapos 5pm hanggang whenever, YFC meetings. Shiet. Para na kong business woman. Hahaha. I'm so proud!

@12:08 AM

Posible ba na mainlove ka sa isang taong alamo naman na hindi kayo talo? Grabe pala ung ganun noh? Grabe dahil mali ang orasan sa blog ko, sasabihin ko lang. 12:07 AM na po. Mukhang marami-rami nnman ang mga gabing ganito. Pero ung continuation, bukas nalang kc pinagagalitan na ko ni Papsi. Haha.


Ansakit ng sugat ko sa legs! Sobra! Feeling ko hnde na ko makakalakad bukas. Awww. :(


Ang sarap maging Emo at magexaggerate ng mga bagay e noh. Joke lang ung in love na part, nagpapakapal lang ako ng mukha. As if mei naiinlove na e noh. Kilig lang. Hahahah. Daydream na diba?

Friday, May 05, 2006 @1:18 PM

Howwy shieeeet. Ansaya! Meron pala akong update bout k PG1. Waaah. Dapat ilalagay ko toh dun sa lj ko before kaso nakalimutan ko nnman password ko. heheh. Ok lang.

Anyway, alam ko na nga pala pangalan nia! Hahahahahah. Sa wakas! After what, 2 years? Major leap na kagad un. Kasi it all started like this, one time nagkaroon ng practice ang "choir" ni kuya Frank. Tapos namention ko ung about k Pg1 tas dinescribe ko, ganun ganun. Tas parang nung bigla namin pag akyat mula sa basement, biglang mei dumating na mga PGs galing daw silang station's. Tas biglang nagfreakout ako. Shiet. Nakakahiya. Wala naman pala sha dun. Tas etong c kuya frank biglang nagtatanong kahit kanino as in kahit dun sa mga bata tas dinedescribe pa nia. Haha. Eto talaga, pahamak. Sabi ba naman kasi nung bata k kuya, "Hala, lagot ka, susumbong kita k kuya *toot* ssbhin ko na crush mo sha" Ahahahahah. Ichura talaga. Pag naalala ko napapangiti ako. So parang nashock nun si kuya tas bigla ba naman akong tinuro sabi nia, "Hindi ako, sha". Ahahaha. E hnde naman talaga. Shiet, the memories... So nashock dn ako dhel nagtatatakbo na ung bata, sa sobrang shock ko, na palo ko ung kamay ni kuya pero gets, hnde prang nanay ung dating a, tas nabagsak ung cellphone nia. Ahahah. Tas nashock dn si kuya. Shiet. Hahaha. Tas hnde pa ko tumigil dun. Ewan ko lang talaga, hnde ata ako nagiisip, sa hnde ko malaman kung panong paraan, nakagat ko pa ung noo nia. Ahahah. Kahet na kuya kuya ko sha, nakakahiya paren un. At eto pa, ung kagat, bumakat. Grabe. Feeling ko talaga nun malalaglag na ung ipin ko. Ansakit. Buti sana kung nagstop na si kuya dun, but noooo... tinanong pa nia sa head ng mga PG. badtrip. Feeling ko talaga hanggang ngayon, ang sama ng tingin nun sakin. Everytime na magkakasalubong, tinatarayan ako. Badtrip. As if naman e noh. Heeeheeheee. Pero joke lang muna ung badtrip badtrip na part a. Baka maya-maya makarating... natahimik nalang ako. Heheheh. so aun, actually, un ata ung pinakahighlight ng pagkacrush ko k Pg1! Ung pagkakaalam ko ng pangalan nia kasi ngaun parang sobrang nawawala na rn. Haii...

@1:13 PM

Wooooooooooooooooooh! Exciting na ung play for later o kung ano man ung magiging presentation. Sabi ni Kuya Frank interpretative play daw. Aus, bibida tau dito. Hahahah. Mapapagana na ang ballet skills ko. Woeh, kung meron daw.

Anyway, ang weird talaga, kagabi sobrang daming umiikot sa ulo ko. Hnde ko nanaman alam kung baket pero kinikilig nnman ako. Hnde kaya sakit na toh? Sobrang feeling ko ang confused ko etc at kung ano ano nnman ung pinagiisip ko. Daydream to the max. Haha.

Thursday, May 04, 2006 @9:15 PM

I call for an EMO moment.

It's really surprising how one could seem so happy yet deep inside that someone really isn't. It's surprising how good an actor someone could be. Days come and go, and you think that at some point that feeling you feel could just disappear, dissolve in the air as you breathe. As if it was all that easy. I don't know if this could be what you call an exaggeration or a hyperbole but it's that. That's how EMO someone could be.

Depression overflows. Kung baket, hnde ko rin alam. I suddenly feel... negative, if you'd know what I mean. Sobrang low ng self-esteem ko ngaun and I feel it getting even lower. I feel unattractive, ugly, suddenly so un-smart.Nakakairita. I just don't feel good about myself anymore. AWWWWWWWWWWWWWWWWWWW.......... Ang EMO talaga. Seryoso, nakakainis dn ung feeling. Parang walang mei gusto sau. It SUCKS MAX!






But Anyway...




YFC! Masaya in one way. I found two new "bestfriends" haha. Enjoy pala pag mei ganun ganun effect. Actually sobrang filled with drama kanina. Hindi ko nga inakala na magbuburst ako dhel sa isa kong kaYFC-mate. Nung una kasi parang akala ko pajoke lang ung pagtataray nia tas tumagal ng tumagal, sobrang maiyak na ko sa inis nung time na un a. Ngayon ko lang ulet naexperience ung ganung pagburst aside sa outburst ko nung kinukwento ko sa isa kong friend ung kinaiinisan ko na isa pang friend. Pero luckily, it was all resolved. Sobrang drama promise. Sabi nia magqquit daw sha pero sobrang pinigilan namin sha tas sobrang nagiyakan. Tas on our way back na, may inamin pa ung isa naming kaYFC na meron shang crush sa chapter na more than crush pero lower than love. Hmm... Nakakaintriga. Tas uwian na.

Thinking back, actually, parang feeling ko tuloy hindi ako isa sa mga andun. Like I'm seeing it all like a movie of some sort. Kasi all the positive feelings simple faded away. It's hard. :(




Get your own countdown at BlingyBlob.com

SUPPORT NGA PALA SA UPCOMING YOUTH CAMP!!!! YEAAA.


@1:22 PM

pang-apat na blog na. yeah!

& PROFILE

MARION CAUSING




One year nalang College na.
Excited na sa college life at sa pagtatahak ng landas ng tunay na mundo.
Isa sa mga nagnanais pumasa sa ATENEO. Proud Atenista.

A hopeless romantic, sucker for romantic comedies, college lovelifes, and ironically, also "boy films" (A term coined for gorey, thriller films). Lives a life filled with ironies (i.e. I call myself lazy yet determined).
My one true refuge: God.



1Sam16 : 7 "Man looks at the outward appearance but the Lord looks at the heart"

Loves and obsessions. PNE. Spongecola. Strawberries! Eman's sense of humor. Reggae music (don't care about the specifics. As long as it's Caribbean reggae, it's all good)

THE JOHARI'S WINDOW. To know or not to know



*HUGS* TOTAL! give Marion more *HUGS*
Get hugs of your own


www.coolcounters.net



& LOVES

.Maryel. Trisha. Mau. Ate Djela. Black Book. Martha. another Marion. Juan Tamad. Roseanne. Aaron. Rakkel (devart). Jamie (devart).

& SPEAK



& ARCHIVES

May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
April 2008
July 2008
August 2008
October 2008


& RESOURCES

layout: +
fonts: +
brushes: + +
image: +